• 3 years ago
"Kapag Pinoy na lalaki dapat barako, tigasin."

Sa kulturang Pinoy, ang pagiging tigasin ang nagiging sukatan ng pagkalalaki. Kaya naman karamihan, hirap magpahayag ng kanilang emosyon. Pero sa nagbabagong panahon, mahalaga raw na ito ay mapag-usapan lalo na't may kaakibat na panganib ang mga gender stereotype.

Bakit nga ba dapat mas maging open ang mga lalaki sa kanilang nararamdaman? Panoorin ang episode na ito ng Share Ko Lang kasama si Kapuso actor Matt Lozano at Gender and Human Rights Advocate na si Prof. Michael Pastor.

Recommended