Van Gogh painting, tinapunan ng sabaw ng mga aktibista | GMA News Feed

  • 2 years ago
Nahaharap sa kaso ang dalawang eco-activist ng Just Stop Oil matapos tapunan ng tomato soup ang painting na "Sunflowers" ni Vincent van Gogh sa London National Museum.

Idinikit din nila ang mga sarili sa dingding ng museo. Ito raw ay bahagi ng kanilang panawagan sa gobyerno ng Britain na itigil ang mga bagong oil at gas projects.

Hindi lang ito ang sikat na artwork na ginamit ng grupo upang pumukaw ng atensyon. Ang ibang detalye, alamin sa video.

BASAHIN: https://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/artandculture/848098/eco-activists-throw-soup-on-van-gogh-s-sunflowers-in-london/story/

Recommended