• 2 years ago
Sa unang 100 araw ni PBBM, nakapagtalaga ng magagaling na miyembro ng gabinete, nakabalik sa face-to-face classes sa mga paaralan at tuluyan nang inalis ang mandato sa pagsusuot ng face mask.

Pero ayon kay political scientist Prof. Aries Arugay, ang unang 100 araw ng isang pangulo ay upang magbigay kumpyansa at tiwala sa kanyang liderato.

Tanong ng ilan, kamusta ang pagtugon sa mga problemang mas malapit sa sikmura ng mga Pilipino gaya ng inflation, mataas na presyo ng mga bilihin, kawalan ng trabaho at kahirapan?

Iyan at iba pang usapin ukol sa ika-100 araw ng Pangulo, alamin sa panayam na ito ng The Mangahas Interviews.

Recommended