• 3 years ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong FRIDAY, SEPTEMBER 2, 2022:
• Zambales, nakahanda na sa posibleng epekto ng Bagyong #Henry | Mga residente, inaabisuhan sa posibleng banta ng storm surge, landslide, at flashflood | Rescue equipment at food packs, inihanda na ng Zambales LGU
• Magsasaka, patay sa landslide sa Ifugao | Baha, rock slide, at mudslide, naranasan sa Bontoc, Mountain Province
• Lalaking wanted sa kasong rape sa Zamboanga Sibugay, arestado sa Maynila
• Ilang residente, ihinahanda na ang kanilang mga bahay sa posibleng pananalasa ng Bagyong #Henry | Provincial government, inalerto na rin ang mga mangingisda at magsasaka sa posibleng pinsalang maidulot ng Bagyong #Henry | Ilang residente, itinali na ang kanilang mga bahay para hindi mapinsala ng bagyo | Cagayan, naka-red alert status na; "No fishing, no sailing, at no swimming policy", mahigpit na ipinatutupad | Clearing operation sa naitalang landslide ilang bahagi ng mountain province, puspusan | DPWH, nagdagdag na ng mga tauhan sa mga landslide-prone areas; PDRRMO, nakabantay na rin
• Tropical cyclone wind signals para sa Bagyong #Henry
• Panayam kay Ilocos Norte PDRRMO head Marcell Tabije
• Presyo ng ilang paboritong noche buena items, tumaas na
• Cebu City Mayor Michael Rama: Tuloy pa rin ang optional na paggamit face masks sa lungsod | DILG, isasangguni sa IATF ang pagiging pilot testing city ng Cebu City para sa optional na pagsusuot ng face mask
• Landbank prepaid at credit contactless cards, maaari nang gamiting pambayad sa 150 PUV na kasama sa automated fare collection system
• Mga mahahalagang araw kaugnay ng 2022 Barangay at SK elections, inilabas na ng Comelec
• Avril Lavigne, may star na sa Hollywood Walk of Fame
• 5-anyos na estudyante, tinangka umanong dukutin ng lalaking nagpakilalang sundo niya sa eskuwelahan | Mga otoridad, mas paiigtingin ang pagbabantay sa mga eskuwelahan
• Mga mangingisda, 'di muna pumalaot dahil sa malakas na hangin at banta ng Bagyong #Henry| Mga gamit para sa search, rescue, at retrieval operations, inihanda na ng PNP | Mga residente, nangangamba sa malakas na alon at hanging dala ng Bagyong #Henry
• 12 LGUs sa Bataan, nakaalerto sa inaasahang pananalasa ng Bagyong #Henry
• Panayam kay Bataan PDRRMO Local Disaster Risk reduction and Management Assistant Mark Rafael Ramos
• Presyo ng ilang klase ng bigas sa Muñoz Market, tumaas ng P0.50/kg hanggang P1.00/kg | Ilang mamimili at negosyante, dumidiskarte para makatipid | Brown rice at malagkit, 'di tumaas ang presyo
• PBBM, nangakong ipapantay ang suweldo ng mga nurse sa pampublikong ospital sa mga nasa pribadong sektor | Bilang ng mga nurse na pinapayagang mag-abroad, tataasan ni PBBM | PBBM: kulang pa ang nailabas nang P25-B para sa benepisyo at hazard pay ng health workers
• Random drug testing, isinasagawa sa PITX

Category

🗞
News

Recommended