Sinong may Kasalanan? Ang Poste o ang Driver? Multicab Sumalpok sa Poste na nasa Gitna ng Kalsada.

  • 2 years ago
Disgrasya ang inabot ng isang driver at kanyang asawa matapos sumalpok ang sinasakyan nila sa isang poste na nasa gitna ng kalsada.

Ayon sa post ni Arnel Avila, nangyari ang insidente sa Luisiana at Cavinti, Laguna bandang alas-7 ng umaga, Agosto 7.

Makikita sa larawan na basag at yupi ang sasakyan ng mag-asawa dahil sa lakas na din ng impak sa poste.

Basi sa report ng kapulisan, maghahatid lang sana ng pagkain sa ospital ang driver ng multicab kasama ang kanyang misis dahil naka-confine ang kanilang nanay, noong nangyari ang aksidente subalit hindi nila nakita ang poste sa gitna ng daan.

Sa nangyaring aksidente e pati yong asawa niya ay naisugod din sa hospital dahil sa tinamong sugat.

Arnel Avila