Live-in partners, arestado sa umano'y vote-buying | GMA News Feed

  • 2 years ago
Umano'y vote buyers, bistado!

Mismong mga botante ang nagsuplong sa mag-live in partner na namimigay umano ng nakasobreng P500 na may sample ballots sa Naic, Cavite.

May listahan din sila ng mga botanteng bibigyan nito. Ang mga first time voter na nasa listahan, isinumbong ito agad sa mga pulis. Hindi raw nila alam kung bakit sila napasama sa listahan.

Bukod sa vote buying, posible ring ireklamo ang mga suspek ng paglabag sa Omnibus Election Code dahil namimigay rin sila ng leaflets, 24 oras bago ang araw ng botohan. Panoorin 'yan sa video.

Recommended