Robredo, iminungkahi na ayusin ang roadmap ng bansa para makamit ang carbon neutrality

  • 2 years ago
Nais ni presidential candidate Vice Pres. Leni Robredo na ayusin ang roadmap ng bansa para makamit ang layunin na maging carbon-neutral sa taong 2050.

“Unang-una na dapat nating gawin, ayusin ang roadmap. Ano ba ‘yung mga target na milestones natin every few years para ‘yung target natin papunta doon at talagang klaro sa atin papunta na tayo sa pagiging carbon-neutral,” saad ng bise sa COMELEC #PiliPinasDebates2022. #BilangPilipino2022