• 3 years ago
Ayon kay presidential candidate Norberto Gonzales, hindi simpleng pagbabago lamang ng sistema na nagdudulot umano ng korapsyon ang kinakailangan, dapat ay tingnan pati ang Konstitusyon at maging ang sistema ng pagpapatakbo ng gobyerno upang sa gayon ay magkaroon ng matitinong lider sa bansa.

“Ang pagkakaalam ko kapag parliamentary system lumalabas ang kagalingan ng bawat namumuno. Baka po sakali na kagalingan na ang magiging batayan ng pamumuno rito sa atin hindi na pera,” dagdag ni Gonzales sa COMELEC #PilipinasDebates2022. #BilangPilipino2022

Category

🗞
News

Recommended