• 3 years ago
Narito ang mga maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Miyerkoles, January 12, 2022:

- COMELEC checkpoints, itinayo na rin sa iba pang panig ng Metro Manila
- Nasa 70 pamilya, nasunugan sa Intramuros, Maynila
- CHED: Phase 2 ng limited face-to-face classes sa mga kolehiyo at unibersidad, sisimulan na sa Jan.31, 2022
- Desisyon ng DOH AT IATF tungkol sa mungkahing academic break sa lahat ng paaralan, inaantabayanan
- “No vaccination card, no entry", ipinapatupad sa Baclaran Church
- 6 na pasahero ng MRT, nagpositibo sa random antigen test kahapon
- Ilang pasahero sa manila north port, hindi pa makakaalis dahil kulang ang requirements
- 6 na pasahero ng MRT, nagpositibo sa random antigen test kahapon
- Phl Genome Center, nilinaw na kailangang makapag-test ng mas marami para matukoy kung omicron na ang dominanteng variant sa bansa
- COMELEC, iniimbestigahan na ang sinasabing hacking sa kanilang sistema
- Tambalang Robredo-Pangilinan, sinabing kailangang gumawa ng hakbang ang COMELEC para 'di maapektuhan ang integridad ng eleksyon
- Sen. Pacquiao, hininging imbestigahan sa kongreso ang umano'y hacking sa COMELEC
- Sen. Lacson, sinabing nag-iimbestiga na ang in-house COMELEC-accredited cybersecurity team ng partido reporma kaugnay sa umano'y hacking
- Tambalang Marcos-Duterte, nanawagan sa LGUs na tiyaking nasusunod ang health protocols sa evacuation centers sa mga binagyong lugar
- Itinatayong Manila Science high school, ininspeksyon ni Mayor Moreno; Construction workers sa site, inalok niya ng covid booster shots
- Tatlong magpipinsan, sugatan matapos pagsasaksakin; suspek, arestado
- Ilang magpapa-booster shot ng covid-19 vaccine, maagang pumila. Mga nagpapabakuna, hati ang opinyon sa panukalang paiksiin ang quarantine period ng fully vaccinated at walang sintomas
- 'Eat Bulaga,' maghahatid pa rin ng isang libo't, isang tuwa sa mga Kapuso at Dabarkads
- Calamity assistance, alok ng SSS para sa mga miyembro at pensioner nilang apektado ng Bagyong Odette
-'Di bababa sa 20 vendor sa Balintawak, natukoy na hindi pa bakunado
- DILG Sec. Eduardo Año, nagpositibo sa COVID-19 sa ikatlong pagkakataon
- DOH: Nasa critical risk na sa COVID ang bansa
- Miriam Quiambao at Samantha Bernardo, positibo sa COVID-19
- Mag-asawang Iya Villania at Drew Arellano, hataw sa tiktok habang naka-isolate
- Genetically modified na puso ng baboy, ginamit sa transplant sa isang tao
- Galvez: pagbibigay ng limang doses ng bakuna kontra covid-19, pinag-aaralan na rin ng vaccine expert panel
- Pinoy pole vaulter EJ Obiena, sumailalim sa knee surgery
- Mahigit 80 na ostrich, nakawala sa isang farm sa China
- Ginang, nanganak sa bangka sa Burdeos, Quezon

Category

😹
Fun

Recommended