• 3 years ago
Sa umiiral na distance learning, nasa 19.8 milyong estudyante sa public schools ang nagtiya-tiyaga sa modular learning. Sa isang survey ng SEQuRe Educ Movement, nakita na 86.7% ng modular learners ang nagsabing mas kaunti ang kanilang natutunan sa distance learning kumpara sa traditional classroom setup.


Kaya naman nagtalaga ng mahigit 13,500 learning support aides sa buong bansa ang Department of Education para tumulong sa mga guro at mga magulang sa pag-gabay sa mga mag-aaral sa kanilang mga bahay. Panoorin ang ika-5 na bahagi ng #PHgoals sa video na ito.


Recommended