• 5 years ago
Gumawa ng history si Therese Malvar nang manalo itong best supporting actress para sa dalawang pelikulang kasali sa 2018 Cinemalaya Independent Film Festival.

Kuwento ni Therese kay Jimpy Anarcon sa kanyang PEP Live interview nung September 3, Huwebes, napaiyak daw agad siya kahit nung ini-introduce pa lang ng presenter ang nanalong best supporting actress.

"Nung sinabing 'tie,' akala ko talaga... 'Hala, sino kaya yun?' Yung gano'n.

"But when they said, 'This award will be awarded to one actress but for two movies.'

"Sa sentence pa lang po na iyon, sobrang umiyak na 'ko agad," lahad ni Therese.

Obvious na raw kasi para sa lahat ng naroon kung sino ang tinutukoy ng presenter ng award.

Nanalo si Therese sa kategoryang best supporting actress sa 2018 Cinemalaya Indie filmfest para sa mga pelikulang Distance at School Service.

Isa raw first sa 14-year history ng Cinemalaya ang nangyari kay Therese.

Para sa kabuuan ng kanyang PEP Live interview, panoorin sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=Yr_FWynWm_o

#theresemalvar #thereseonpeplive

Host: Jimpy Anarcon
Producer: Rommel Llanes
Director: Kim Gan

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Category

People

Recommended