Isabelle de Leon, nanita noon ng direktor dahil mali ang acting instructions | PEP Live

  • 4 years ago
Sa PEP Live guest appearance ni Isabelle de Leon kamakailan, naikuwento niya ang kanyang mga karanasan bilang child actress.

Napunta ang kuwentuhan nila ng PEP Live host na si Jimpy Anarcon tungkol sa pagganap niya noon bilang kapatid ni Jiro Manio sa klasikong pelikulang Magnifico na idinirek ng yumao nang award-winning director na si Maryo J. delos Reyes.

Pagbabalik-alaala ni Isabelle, nagkatrabaho na sila noon ni Direk Maryo J. bago pa man nila gawin ang Magnifico.

At sa isa sa mga trabahong iyon, naikuwento ni Isabelle ang minsang pagsita niya sa batikang direktor.

Kuwento ni Isabelle, isang batang pipi at bingi ang role na ginagampanan niya sa pelikulang ginagawa nila noon ni Direk Maryo J.

Aniya, habang iminumuwestra ng direktor kung ano ang gagawin niyang pag-arte, pinansin ng bata pa noong si Isabelle ang instructions ni Direk Maryo J.

Natigilan ang direktor nang sabihin ng batang aktres na hindi tama ang paraan ng pag-arte na ipinapagawa sa kanya.

Sa harap ng iba pang mga artista sa set, nag-react si Direk Maryo J. sa pagsita sa kanya ni Isabelle.

#isabelledeleon #maryojdelosreyes #magnifico #peplive

Host: Jimpy Anarcon
Technical Directors: John Henri Mariano & Marlo Adriatico
Video Editor: Rommel R. Llanes

Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Like PEP.ph on Facebook! https://www.facebook.com/PEPalerts

Follow PEP.ph on Twitter! https://twitter.com/pepalerts

Join us on Viber. Download our Emotera Viber sticker pack: https://vb.me/peponviber_ph