VIDEO: Nurse, nahuling niyuyugyog ang kapapanganak na baby

  • 9 years ago
Isang emosyonal na nars, nahuling niyuyugyog ang isang maliit na baby

Ang may-ari ng isang post-natal center sa New Taipei City ang nagsasagawa ng damage control, at humingi ng tawad sa publiko, matapos kumalat ang video na ito.

Isang 52 year old na nars ang makikitang bayolenteng niyuyugyog ang isang kapapanganak lamang na baby sa video.

Ang katakot-takot na video ay nagbigay ng atensiyon sa center na ito, at noong una ay tumanggi ang may-ari sa kanyang responsibilidad sa mga pangyayari.

Pero matapos ang dalawang araw ng imbestigasyon, ay sumuko rin ito at humingi ng paumanhin. Inamin nito na ang nars sa video ay naglabas ng sama ng loob sa baby na dapat ay kanyang binabantayan at inaalagaan.

Kahit na hindi ito umabot sa korte, pinarusahan pa rin ng Taiwan Department of Health ang facility, at tinanggal ang 1/5 ng kama mula sa center -- na maaring ikawalan ng center ng milyon-milyon sa income kada buwan. At tiyak na mahihirapan silang makuhang muli ang tiwala ng mga customer.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended