PHOTO: Dalawang foreigner sa Taiwan, naghubad sa harap ng isang tindahan

  • 9 years ago
PHOTO: Dalawang foreigner sa Taiwan, naghubad sa harap ng isang tindahan

Tingnan niyo ang dalawang lalaking ito, masayang nagpo-pose nang nakahubad sa harap ng isang tindahan, alas quarto ng madaling araw sa Taipei. Ang mga litrato ay ipi-nost pa nila sa Facebook.

Kinabahan ang kanilang kaibigan na galing sa Germany, na nagsabing ipinapahiya nila ang mga foreigners sa Taiwan. Nag-file ng complaint sa diyaryo na Apple Daily ang German na lalaki, kasama ang kanyang Taiwanese na kaibigan, matapos i-report ng Apply Daily ang mga pangyayari.

Ikinumpirma ng reporter ng Apple Daily ang insidente sa nagbabantay sa tindahan kung saan kinunan ang mga litrato. Nalaman ng Apple Daily na isa sa mga nakahubad na foreigner ay si John Purkis, mula sa UK, isang English teacher na kaka-graduate pa lang sa NTNU itong nakaraang taon -- samantalang ang kasama niya sa litrato ay umalis na ng Taiwan.

Sa mga interview sa iilang Japanese na estudyante, hindi nila matanggap ang ganitong Gawain sa Japan, at kung sila ay nahuli, sila ay makukulong. Hindi daw ganito ang foreign culture sa Kapan. Ayon naman sa isang Vietnamese na estudyante, hindi maaawat ang mga lasing. Ayon sa pulis, ang indecent exposure ay labag sa batas.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended