Pulis sa New Mexico, paulit-ulit na kinalikot ang puwit ng isang kawawang driver

  • 9 years ago
Pulis sa New Mexico, paulit-ulit na kinalikot ang puwit ng isang kawawang driver

Si David Eckert ay paalis na ng Wal-Mart, nang hindi nito napansin ang isang stop sign, at pinahinto siya ng pulis.

Ayon sa pulis, parang may naamoy daw ang kanilang aso, at parang ang higpit ng puwet ni Eckert. At dito nagsimula ang gulo.

Dinala ng pulis si Eckert, at isang search warrant, sa Mimbres Memorial Hospital -- para gawan si Eckert ng cavity search. Pero hindi pumayag ang doktor.

Tumuloy sila sa Gila Regional Medical Center, at doon ay kinunan ng X-Ray ang abdomen ni Eckert... wala silang nakita doon.

Nagsagawa ng manual cavity search ang doktor, at wala ring nahanap. Inulit ng doktor ang manual cavity search, at sa pangalawang beses, wala pa ring nahanap. Nag-insert ng enema ang doktor at pinilit si Eckert na tumae sa harap ng mga pulis, na hinalukay ang tae. Wala pa rin silang nahanap. Pero paulit-ulit nila itong ginawa. Sinundan pa nila ito ng isa pang X-Ray, at gaya ng dati, wala silang nahanap o nakitang kakaiba.

Binigyan ng colonoscopy si Eckert -- ibig sabihin nito ay nag-insert sila ng maliit na camera sa kanyang puwet at tiningnan ang kanyang kaloob-looban. Wala pa rin.

Ang pinaka-malala pa diyan, ay ipinadala ng doktor ang bill ng lahat ng prodecures kay Eckert! Hindi nakakagulat na nakahandang magdemanda si Eckert.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended