Mga prostitute na walang bugaw, napadpad na sa Taiwan

  • 9 years ago
Mga prostitute na walang bugaw, napadpad na sa Taiwan.

Ang kasabihang, "one floor, one phoenix," ay nagsimula sa mga hong Kong sex workers, na walang bugaw, at nag-re-rent ng mga apartment para sa kanilang trabaho.

Ngayon, ang mga 'freelance' sex workers na ito ay napadayo na sa Taiwan, kung saan umabot na ng tatlumpung libo, ayon sa local police.

Dahil sa dami ng mga prostitutes, malakas daw ang kompetisyon sa industriya. Ayon sa Apple Daily, hindi na kailangang magbayad ng lampas sa 100 US dollars para sa kanilang serbisyo.

Ang dalawang sex workers na ito ay galing sa Fujian province sa China, at ang kanilang serbisyo ay para sa mga nais magka-threesome. Dahil wala silang bugaw, walang ibang pinupuntahan ang kinikita nila. Ang magpinsan ay masyado nang kilala ngayon, at kailangang gumawa ng reservation ang kanilang mga customer.

At dahil hindi na kakaiba ang threesome, napipilitang gumawa ng ibang gimmick ang mga sex workers para makaakit ng bagong kliyente. May mga nag-o-offer ng iba't ibang klase ng masahe, gaya ng electrotherapy at infrared heat. Mayroon pang nag-o-offer ng serbisyo na hindi naiiba sa traditional Chinese doctor! Isa sa mga customer nito ay bumilib nang husto, at ikinumpara ang sex worker sa kilalang Chinese doctor na si Hua Tuo, at sinabing ang masahe ng prostitute ay ikinabuti ng kanyang kalusugan.

Isa pang sex worker na itinatawag na "The Sorceress" ang kanyang sarili ay nanghuhula, at tinuturuan ng Qi Gong ang kanyang mga customer. Sinabi niya sa Apple Daily reporter na may maitim siyang aura, at buti nalang at nagkakilala sila, para matanggal niya ang masamang aura na ito.

Ang mga sex workers at nakatira sa kanilang mga apartment, na kanilang nabili gamit ang kanilang kinikita sa pagiging prostitute. Dito din nila dinadala ang kanilang mga customer. Pero kahit mabilis at malaki ang kanilang kinikita, mahirap pa rin ang buhay-prosti na walang bugaw...dahil mas may posibilidad na sila ay manakawan, or masaktan.


For news that'

Recommended