Taiwanese na lalaki, nag-propose sa gitna ng traffic sa kanyang asawa!

  • 9 years ago
Taiwanese na lalaki, nag-propose sa gitna ng traffic sa kanyang asawa!

Lalaki, nag-propose sa asawa sa harap ng maraming tao. May dala-dalang bulaklak, nakaluhod sa kalsada...napaka-romantic, hindi ba? Ito ay ang pangalawang proposal ng lalaki sa kanyang asawa.

Si Lin, 40 years old, ay isang nurse sa New Taipei City, at limang taon na silang ikinasal ng kanyang asawa -- at sila ay may tatlong anak. Pero dahil dito, ay hindi na sila nagiging romantiko sa isa't isa...kaya naisipan ni Lin na magplano ng isang espesyal na sorpresa.

Mula sa unang proposal, hanggang sa kanilang wedding photos at honeymoon, ay gusting ulitin ni Lin ang experience para sa kanyang asawa. Plinano ni Lin at ng kanyang kapatid na isang photographer ang pangalawang proposal, at pinili nila ang Taipei Bridge dahil mas mahaba ang oras ng pagtigil ng traffic light dito, kaya maraming makakasaksi sa mga pangyayari.

Ninerbiyos daw si Lin nang isagawa niya ang proposal, samantalang ang asawa niya naman ay natakot dahil nasa gitna sila ng traffic. Nang namalayan niya na nagpo-propose pala ang kanyang asawa, ninerbiyos ito at muntik nang makalimutang sagutin ang tanong ni Lin.

Ang video ay nasa Facebook page ni Lin, at kumalat na sa internet. May mga nagsabing ang proposal ay romantic, pero may mga nagsabi ring nakakahiya ito. May mga nagsabing nakaka-touch ito, at kapag sila ang babae, maiiyak sila nago sila makasagot ng 'oo.' May mga nagsabi naman na mahihiya sila kapag maraming nanonood, pero sasagot pa rin sila ng 'yes.' At may mga mahiyain naman na nagsabing sa sobrang hiya nila, hindi sila matutuwa -- at baka takbuhan pa nila ang nagpo-propose.




For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended