VIDEO: Pulis sa New Mexico, binaril ang kotseng may mga batang pasahero

  • 9 years ago
VIDEO: Pulis sa New Mexico, binaril ang kotseng may mga batang pasahero

Si Oriana Ferrell ay nagmamaneho kasama ang lima niyang anak, nang pahintuin siya ng pulis dahil sa bilis ng takbo ng kanyang kotse.

Nagkasagutan ang dalawa sa ticket na ibibigay ng pulis kay Ferrell, at nilayasan ni Ferrell ang pulis habang ito ay nakatalikod.Napahinto rin ito ng pulis, at ang pakikipag-sagutan ay nauwi sa pag-away. Pinilit ng pulis na bumaba ng sasayan si Ferrell, ngunit ayaw gumalaw ng babae.

Nagsisisigaw ang mga bata sa loob ng kotse, at bumaba ang 14 year old na anak ni Ferrell para ipagtanggo ang kanyang ina. Nagbunot ng taser ang pulis, at napaawat ang teenager. Dineny ng babae na nilayasn niya ang pulis. Lumabas siya ng kotse, para lang layasang muli ang pulis. Sa gitna ng lahat ng ito, naging pisikal ang away ng pulis at anak ni Ferrell.

Bumalik sa sasakyan ang pamilya at ni-lock ito. Dumating ang backup ng pulis, at binasag ng pulis ang isang bintana sa pamamagitan ng baton.

Nagmaneho papaalis si Ferrell, at tatlong beses na binaril ng pulis ang sasakyan, kahit na may mga bata sa loob. Hindi nagtagal ay sumuko rin si Ferrell, at naaresto ito, pati na rin ang kanyang anak.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH