Taiwanese, nakidnap sa Malaysia, sa Pilipinas nanggaling ang ransom call

  • 9 years ago
Taiwanese, nakidnap sa Malaysia, sa Pilipinas nanggaling ang ransom call

Isang Taiwanese ang na-abduct sa Malaysia; nakatanggap ang pamilya nito ng tawag mula sa Pilipinas.

Ang 57-year-old na businessman na si Hsu Lu Min, at ang kanyang 58-year-old na girlfriend na si Chang An Wei ay na-atake sa Pom Pom Island, sa Malaysia, itong nakaraang linggo. Si Hsu ay nabaril at namatay, samantalang si Chang ay na-kidnap ng mga umatake sa kanila.

Kinumpirma ng Interior Minister na si Lee Hong Yuan, na nakatanggap ang pamilya ni Chang ng mga ransom calls mula sa Pilipinas. Pero hindi nila masigurado kung ang mga tawag ay nanggaling sa mga kidnappers mismo.

Ayon sa mga awtoridad, ang grupong Abu Sayyaaf ang tumawag sa kapatid ni Chang noong November 17, at humingi ng malaking halaga bilang kapalit ng buhay at kaligtasan ni Chang. Isang businessman sa Pilipinas diumano ang nagsisilbing middleman sa pagitan ng kidnappers at pamilya ng biktima.

Ang suspetsya ng pulis ay humingi ng ransom ang mga kidnappers mula sa pamilya ni Chang, at pati na rin sa resort sa Malaysia.

Naniniwala ang mga imbestigador sa Malaysia na ang pag-kidnap kay Chang ay pinaghandaan, at ito ay dahil sa kayamanan ng kanyang pamilya.

Si Hsu at Chang ay nakitang masayang nagbabakasyon noong isang linggo sa isang surveillance video na nakuha ng Apple Daily.

Nakakapag-alala ang kalagayan ni Chang, dahil siya ay diabetic. Inumpisahan na ang isang rescue mission, at ang kanyang pamilya ay nakarating na sa isla sa Malaysia, kasama ang pulis. Umaasa ang foreign ministry na maliligtas si Chang, pero ayon sa mga experts, magiging maingat ang special task force sa pag-handle sa kasong ito, para maprotektahan si Chang.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended