Japanese AV actress Haneda Ai, nagbebenta daw ng sex sa Taiwan?

  • 9 years ago
Japanese AV actress Haneda Ai, nagbebenta daw ng sex sa Taiwan?

Nagbebenta ba ng sex ang Japanese AV star na si Haneda Ai?

Sa isang bagong plano ng pag-marketing ng isang prostitution ring, ang mga customer sa Taiwan ay inaalok ng "espesyal na serbisyo" mula sa kilalang Japanese Adult Video star, na si Haneda Ai.

Sa mga ad na nakalagay sa mga sikat na social networking apps, ang naturang serbisyo ay maibibigay sa mga customer sa Taoyuan, Linkou, at Taipei, itong buong linggo. Bawat kliyente ay kailangang magbayad ng 2,400 US dollars para sa isang oras.

Ayon sa diyaryo na Apple Daily, na kumuha ng opinyon ng mga nasa industriya ng adult videos, imposibleng makakuha ng isang A-list na AV star para lamang sa halagang 2,400 USD. Mas kapani-paniwala raw ang presyong 5,400 USD.

Ang mga nasa industriya ng sex trade ay kinontact diumano ang mga Japanese porn agencies, ilang buwan nang nakalipas, para mabigyan ng short-term stays ang mga AV stars sa Taiwan -- para panandalian silang makapagbenta ng sex. Pero ang mga sex vendors daw sa Taiwan ay kinailangan magbayad ng 35,000 USD bago sila makagawa ng kahit anong arrangement. Ito ay para maiwasan ng mga vendor sa Taiwan ang pag-raid ng mga pulis, dahil ang prostitution ay ilegal sa Taiwan.

Ayon sa isang AV critic, malamang at tutoo ang balitang ito, dahil nangyari na rin ito noon.

Ayon naman sa Taiwanese Criminal Investigation Bureau, wala pa silang natatanggap na report tungkol sa mga sex services na ito.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH