Snowball fight sa University of Oregon, nauwi sa police investigation!

  • 9 years ago
Snowball fight sa University of Oregon, nauwi sa police investigation!

Iniimbestigahan ng University of Oregon Police Department ang isang snowball fight na nangyari noong Biyernes sa kanilang kampus, matapos mai-post ang video nito sa YouTube.

Nagsimula ang insidente nan gang miyembro ng football team ay inimbita ang mga estudyanteng sumali sa isang snowball fight, bilang pasasalamat sa kanilang pag-suporta sa team.

Nasobrahan ang snowball fight nan gang isang SUV na padaan lamang sa unibersidad ang natadtad ng mga snowballs. Pero at least ay nakatanggap ang driver ng SUV ng sayaw mula sa isa sa mga estudyante.

May isang malas na driver na huminto at binuksan ang pintuan ng kanyang kotse, para lang matabunan ng isang tabong snow.

Habang sinusubukan ng lalaking makipag-usap sa isa sa mga estudyante, ay pinagbabato ito ng mga snowballs ng ibang mga estudyante.

Hindi nila tinigilan ang lalaki, kahit na pabalik na ito sa kanyang sasakyan.

Mukhang napikon lang ang mga estudyante sa Oregon dahil natalo ang kanilang team itong season. At, mukhang mahilig silang magpatama ng balls, sa kanilang mga mukha!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended