US Dept. of Homeland Security, pinigilang mag-testify ang isang star witness?

  • 9 years ago
US Dept. of Homeland Security, pinigilang mag-testify ang isang star witness?

Alam niyo ba na hanggang sa itong nakaraang linggo, wala ni isang kaso laban sa US Department of Homeland Security (DHS for short), ang napunta sa trial?

Noong 2005, si Dr. Rahinah Ibrahim ay pabalik ng Stanford University para tapusin angbkanyang research, nang tinanggihan ang kanyang visa nang walang dahilan.

Handa nang magpunta sa US para mag-testify ang 14-year-old na anak ni Ibrahim, na si Raihan, para ipagtanggol ang kanyang ina...

Nang hindi umabot ang kaso sa korte.

Ayon kay Raihan, ito ay dahil siya rin ay nailagay sa "no-fly" list.

Agad na tinawagan ni Raihan ang abogado ng kanyang ina, na si Elizabeth Pipkin.

Tinawagan ni Pipkin ang opisina ng DHA, pero ipinag-pasa-pasa lamang siya ng mga tao doon.

Nang tanungin ang DHS tungkol sa insidenteng ito, ay walang makuhang kasagutan mula sa kanila.

Noong isang araw, sabi ng DHS ay hindi lang naabutan ni Raihan ang kanyang flight.

Pero kung titingnan natin ang katotohanan na ang ina ni Raihan ay hindi pwedeng pumasok sa US para mag-testify sa kanyang sariling trial...

Hindi kapani-paniwala ang kuwento ng DHS. Posible kayang ginamit nila ang kanilang awtoridad para harangin ang isang witness sa pag-testify sa korte, sa isang kasong laban sa kanila?


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended