Matandang teacher, pinakasalan ang batang estudyante, muntik mapatay ng biyenan!

  • 9 years ago
Matandang teacher, pinakasalan ang batang estudyante, muntik mapatay ng biyenan!

Isang lalaki sa China ang nangtangkang patayin ang isang college professor, nang kanyang malaman na manugang na pala niya ito, dahil pinakasalan ng professor ang kanyang anak na babae.

Ayon kay Professor Ma, sinabi niya sa ama ng kanyang asawa na mahal na mahal niya ang anak nito.

Ayon naman sa ama, hindi ito uubra sa kanya, dahil napakabata pa ng kanyang anak.

Ang anak, na si Yang Juan, na 20 years old, ay galing sa Sichuan province sa China. Siya ay na-in love sa kanyang professor, na mas matanda pa sa sarili niyang ama.

Ayon sa babae, minsan siya ay nagkasakit, ay nagdala ng dalawang estudyante si Ma para dalawin siya, na siyang naging dahilan kung bakit napaibig ang babae.

Nagdesisyon si Yang Juan na pakasalan ang middle-aged na professor matapos siyang grumaduate ng college. Itinago nila ang kanilang pag-aasawa sa mga magulang niya, hanggang sa mabuntis na siya.

Ayon sa ina ni Yang Juan, may malaking age gap sa kanilang dalawa, at hindi niya maisip kung paano nila maipapabuti ang kanilang relasyon.

Sa sobrang galit ng ama ni Yang, nangtangka itong saktan ang professor, sa pamamagitan ng upuan, at palakol. Natakot si Ma, at tumakbo. Sa huli ay kinumbinsi ni Yang si Ma, na sabayan siya sa pagluhod sa harap ng kanyang mga magulang, at humingi ng paumanhin.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH