Kulto sa Japan, tinorture, inabuso at pinatay ang isang babae!

  • 9 years ago
Kulto sa Japan, tinorture, inabuso at pinatay ang isang babae!

Si Maki Saito, ng Aomori, Japan, ay nasentensiya itong nakaraang Lunes, ng labinlimang taon sa bilangguan, para sa isang brutal na krimen. Si Maki, kasama ang tatlong lalaki, ay itinali at pinatay si Shinobu Ota.

Si Maki ay ang leader ng kulto ng Myoshu. Ang mga miyembro nila ay naniniwalang sila ay may espesyal na abilidad na makausap ang mga diyos. Ang biktima na si Ota, at ang mga accomplice ni Maki ay miyembro rin ng Myoshu.

Gawain nila ang maglaro ng mga video games at pachinko. Ang mga nananalo ng jackpot ay pinaniniwalaang nakakapag-alis ng mga masasamang ispirito.

Inaway ni Maki si Ota nang nahuli niyang natutulog si Ota. Mula Setyembre hanggang Oktubre ng 2012, pinagsuot ng Maki ng kuwelyong pang-aso si Ota, at ginamitan pa ito ng cattle prod kapag hindi ito naging masunurin. Hindi nakayanan ng katawan ni Ota ang pang-aabuso ni Maki, at namatay si Ota dahil sa organ failure.

Humingi ng sentensiya na dalawampung taon ang Aomori District Court, pero hanggang labinlimang taon lang ang kanilang nakuha para kay Maki.

Ang tatlo niyang kaibigang lalaki ay nabigyan ng sentensiya na mula siyam hanggang labindalawang taong pagkakulong.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended