Liverpool player Luis Suarez, inisnob ng batang babae sa pregame!

  • 9 years ago
Liverpool player Luis Suarez, inisnob ng batang babae sa pregame!

Nanalo man ang Liverpool sa kanilang laro laban sa Spurs noong Linggo, ang pinakabida ng araw na iyon ay hindi ang mga players, kung hindi ang 10-year-old na Spurs mascot na si Olivia Brown -- na inisnab ang pakikipag-kamay sa kanya ng footballer na si Luis Suarez!

Ang mga mascots ay pinapakilala sa mga visiting players ng home team, at normal na sila ay magkamayan.

Pero nang dalhin nilasi Olivia kay Suarez, hindi nito pinansin ang player at hindi nakipagkamayan!

Nang-inis pa ang bata at nilagay ang kanyang hinlalaki sa kanyang ilong, at patuksong kinawayan si Suarez.

Ito na kaya ang simula ng isang bagong trend sa pre-match na kamayan sa Premier League?

Mas marami kayang mascot ang mang-iisnab kay Suarez?

Kung ganoon, mag-ingat dapat si Luis, at maraming bata ang may matalas na ngipin!

Ang tunay na istorya? Binigyan raw si Olivia ng 20 Pounds ng kanyang ama para gawin ang pang-iisnab! Olivia, dapat ay humingi ka ng mas maraming pera!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended