Tanga-tangang magnanakaw, dalawang beses pumalpak sa isang linggo!

  • 9 years ago
Tanga-tangang magnanakaw, dalawang beses pumalpak sa isang linggo!

Chinese na magnanakaw, hindi nanakawan ang mga tindahan dahil nakalimutan niyang tanggalin ang pambalot ng kanyang kutsilyo!

Isang 21-year-old na lalake mula sa Sichuan province sa China ang nagtangkang nakawan ang isang tindahan ng alahas noong biyernes, pero hindi niya ito nagawa dahil hindi niya naihanda ang kanyang kutsilyo.

Akala ng mga employado at customer sa tindahan ay biro lang ang lahat, habang ang magnanakaw ay nakatayo lang doon, habang hawak-hawak ang kutsilyong nakabalot pa sa papel.

Lumabas ng tindahan ang magnanakaw, tinaggal ang papel, at bumalik para ipagpatuloy ang pagnanakaw...pero napigilan na siya ng mga lalaking employado.

Ayon sa imbestigasyon ng pulis, ang lalaki ay nag-target na ng isa pang tindahan ng alahas noong Huwebes, pero hindi rin siya nagtagumpay.

Parehong palpak ang kanyang pagtangkang pagnanakaw, noong Huwebes at Biyernes; walang nakapansin sa kanya, at wala rin siyang nanakaw.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended