VIDEO: Lasing na Chargers fans, pinagtulungan ang isang Broncos fan!

  • 9 years ago
VIDEO: Lasing na Chargers fans, pinagtulungan ang isang Broncos fan!


Naalala niyo ba ito?

Noon pa iyan. At ito naman ang ngayon.

Ang ating mga "deciders" sa araw na ito ay ang tatlong taong nagpakita noong Linggo. Ang una, ay si Jason Blunt ng San Diego.

Siya ang nakasuot ng Manning jersey. Siya rin ang nagtatakbo sa kalsadang puno ng Chargers fans, at pinagyabang ang pagkapanalo ng Broncos, 24-17, na nangyari rin noong gabing iyon.

Ang galing, hindi ba?

Pagkatapos, dala pang mga deciders, sina Michael Lopati ay Asolelei Tafilele, na galing rin sa San Diego,

Ang magdesisyong pakainin ng sapatos itong si Jason Blount.

Lahat ng ito ay nangyari sa Highland Avenue, sa National City, ang unofficial party capital ng mga Chargers fans, kung saan sila ay nagkikita para mag-inuman at magsaya, tatlong linggo nang nakalipas.

Ang away ay hindi lumampas ng sampung Segundo, kaya panoorin natin ng frame by frame na parang tutoong importanteng balita ito!

Heto si Blount, patakbo-takbo sa Highand Avenue.

At heto sina Lopati at Tafilele, na hindi naming alam kung paano kilalanin at walang nakasulat na pangalan sa kanilang damit...

Sumuntok sila, at hindi sila nakatama! Pansinin ang "coming soon" na sign, na ang tinutukoy ay...

Ang pangyayaring ito! Hindi naisipan ni Blount na posibleng may higit sa isang lasing na fan ang Chargers!

May iilang Segundo kung saan pinakain ng mga Chargers fans ng sapatos si Blount, at hindi nila napansin na napaligiran na pala sila ng pulis. Panoorin natin.

Naaresto ang tatlong deciders, at sina Lopati at Tafilele ay nakasuhan ng pakikipag-away at pagiging lasing. Si Blount, na nakakagulat malaman na hindi lasing, ay nakasuhan ng pag-incite ng riot.

Apir, mga deciers! Ang gagaling ninyo!



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us her

Recommended