Batang lalaki, namatay matapos siyang ihagis mula sa bubong ng building!

  • 9 years ago
Batang lalaki, namatay matapos siyang itulak mula sa bubong ng kanyang kaibigan.

Makikita sa CCTV camera footage na ito, ang huling sandali ng buhay ng isang 12-year-old na Taiwanese na batang lalaking si Hsu -- na sa loob lamang ng ilang minuto, ay maitutulak mula sa building na may 13 floor ang taas, ng kanyang mga kaibigan, noong March 30.

Ayon sa pulis, alas singko ng hapon nang nagpunta si Hsu sa isang internet café para makipagkita sa kanyang mga kaibigan. Kabilang dito ang isang 23-year-old na lalaking si Jiang, at 21-year-old na lalaking si Wang.

Ang anim na magkakaibigan ay nagpunta sa rooftop ng isa sa kanilang tinitirhan na apartment building, para tumambay.

Si Hsu ay nakaaway diumano ang isa sa nakatatanda niyang kaibigan. Tinakpan daw ni Jiang ang ulo ni Hsu ng isang jacket, at pinagsusuntok ito. Ilang beses na nagsigaw ng 'no' ang bata, pero hindi nagpaawat si Jiang, at tatlo sa mga kaibigan nila ang umalis mula sa eksena. Kumuha ng laryo si Wang at binato pa it okay Hsu, bago siya tumakbo paalis.

Si Jiang, na higit na malaki kay Hsu, ay binuhat at hinagis ang 12-year-old na bata, mula sa rooftop. Namatay si Hsu sa eksena.

Ayon sa ate ni Hsu, hindi siya makapaniwala na may taong kayang gawin ang karumal-dumal na gawaing ito sa isang bata. Nakarinig daw ang security guard ng building ng isang mabigat na bagay na nahulog --- na katawan pala ng isang tao.

Ayon pa sa security guard, ang mga kaibigan ni Hsu ay namumutla ay ninenerbiyos nang umalis sila mula sa building. Matapos silang maaresto, ipinagtanggol ni Jiang ang kanyang sarili, at sinabing si Hsu ay isang verbal bully -- dahilan kung bakit naging bayolente si Jiang.

Si Jiang at Wang ay nakasuhan ng muder, at assault. Pero ang kanilang mga sentensiya ay maaring mapaikli, dahil sila ay kumpirmadong may mental disabilities.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube

Recommended