Lalake sa Taiwan, ginagamit ang ipis para manghipo ng mga babae!

  • 9 years ago
Lalake, ginagamit ang ipis para mahipuan ang mga babae!

"May ipis sa damit mo!" Ito ang linya ng isang pervert sa Taipei, Taiwan, para magkaroon siya ng dahilan na hipuan ang mga babae. Ang insidente ay nangyari sa Gang Qian subway station, kung saan niloko ng isang lalake ang mga nag-iisang babae, na pinayagang hawakan ng lalake ang kanilang mga dibdib.

Isang babae ang naglalakad sa subway station, Lunes ng gabi, nang isang lalaking nasa kanyang 20s ang huminto, sakay ang scooter. Pinahinto niya ang babae at sinabi sa kanyang may ipis sa kanyang damit. Nagkunwari ang lalaking tinutulungan ang babae na tanggalin ang ipis, pero ang tutoo ay hinipuan lang niya ang boobs ng babae. Tinanong pa niya ang babae kung ano ang pakiramdam nito matapos siyang mahipuan, bago siya umalis na sakay ang scooter, habang nakatingin lang ang nabiglang babae.

Shinare ng babae ang kanyang naranasan na harassment online, at nagulat siya na hindi pala siya ang nag-iisang biktima. Ayon sa isa pang biktima, tinulak niya ang suspect nang sinubukan siyang hipuan nito, at kapag nakita niya ulit ang suspect ay sisipain niya ito sa kanyang kalalakihan.

Kinabukasan ay ini-report ng babae ang insidente sa pulis. Salamat sa surveillance footage, naaresto ng pulis ang isang lalaking nagngangalang Yun, na nagta-trabaho bilang waiter sa isang local restaurant. Si Yun ay nakasuhan ng sexual harassment.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended