Taiwanese na lalake, nagkunwaring babae, naloko ang dalawang lalake na siya ay buntis!

  • 9 years ago
Taiwanese na lalake, nagkunwaring babae, naloko ang dalawang lalake na siya ay buntis!


Isang live-in girlfriend, na nagdadalang-tao...ay isa palang...lalake?

Yup. Wala rin kaming masabi nang narinig namin ang kuwentong ito. Paanong hindi nalalaman ng lalake na ang kanyang buntis na girlfriend ay isa palang lalake? Paano?

Noong Oktubre, ang 28-year-old na si Wang ay nakilala ang kanyang army doctor girlfriend na si Xiao Qian, sa mobile messenger app na WeChat.

Mabilis silang nag-click, at mabilis na lumipat si Xiao Qian sa apartment ni Wang. Makalipas ang ilan buwan, sinabi ni Xiao Qian kay Wang na siya ay buntis, at sila'y magkakaroon ng kambal! Bago sila mag-asawa, ay pinakilala pa ni Wang si Xiao Qian sa kanyang mga magulang.

Maayos naman ang lahat, hanggang sa noong isang buwan. Sinabi ni Xiao Qian na napilitan siyang mag-abortion dahil siya ay buntis nang hindi pa kinakasal. Nagalit si Wang at nag-away sila. Napansin ni Wang na may kinakausap na iba si Xiao Qian sa telepono, at inakala niyang nanlalalake ito.

Noong isang araw, nadiskubre ni Wang na ayon sa ID ni Xiao Qian, siya ay isang lalake! Naalala ni Wang na never niyang nakitang nakahubad si Xiao Qian, at palagi siyang naliligo habang wala si Wang sa bahay. At kapag sila ay nagse-sex, hindi pinapahawak ni Xiao Qian kay Wang ang kanyang mga private parts.

Kinontak ni Wang ang lover ni Xiao Qian, at tinanong niya kung alam ba ng lover na lalake si Xiao Qian. Akala ng lover ay babae si Xiao Qian, na inakala niyang buntis, kaya hihiwalayan niya ang kanyang asawa! Binigyan din ng lover ng pera si Xiao Qian para mag-aral sa abroad.

Nang inaresto siya, inamin ni Xiao Qian na pineke niya ang kanyang pagkabuntis sa pamamagitan ng pagbalot ng cotton pack sa kanyang tiyan.

Pero hindi pa rin naming ma-gets kung bakit hindi man lang napansin ni Wang na lalake si Xiao Qian...eh magkatabi silang natutulog, gabi-gabi?


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNew

Recommended