Lakas ng acid trip: cosplayer Konrad McKane, kinalaban ang isang BMW sa gitna ng kalsada!

  • 9 years ago
Lakas ng acid trip: cosplayer Konrad McKane, kinalaban ang isang BMW sa gitna ng kalsada!


Dark Elf Cosplayer sa Portland, gumamit ng acid, kinalaban ang isang BMW!

High na high si Konrad Bass, noong isang araw, habang siya ay naglalakad sa labas...teka, hindi ito ang tamang litrato...

Heto siya o! Teka...mali pa rin iyan eh...

Ah, ayan! Siya na ba talaga ito? Oo? Sigurado?

Okay, so ang lalaking ito, na si Konrad Bass, na tinutukoy ang kanyang sarili bilang isang 'rogue elven assassin,' ang nagdesisyong kalabanin...sa gitna ng Southeast Portland intersection...ang isang BMW na napagkamalan niyang si Melkor, ang super-evil na kalaban sa Lord of the Rings!

Gumamit kasi ng LSD itong si Konrad, at dahil matagal na siyang lumalaban sa mga evil forces, bilang isang elven warrior, hindi na natin siya masisisi kung ang isang kotse ay biglang naging si Melkor sa kanyang mga mata.

At dahil siya ay isang hero, agad niyang tinagkang patayin si Melkor! Ang problema? Si Melkor ay isang late model BMW napinagma-may-ari ng isang matandang babae, na tinawag sa 911 na sinisira ni Jack Sparrow ang kanyang kotse! Cosplay Fail!

Natalo ni Melkor ang ating hero...
Na dinala ng Portland police sa ospital, para magawan ng psychoanalysis.

Wala pa kaming balita kung makakapunta si Konrad sa susunod na pelikulang "The Hobbit."


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH