Ex-con na may assault rifle, napa-surrender ng LAPD matapos ang isang high-speed chase!

  • 9 years ago
Ex-con na may assault rifle, nagpahabol sa pulis sa isang 100-miles-per-hour freeway chase sa LA!

Nabawasan ng isang problema ang mga residente ng LA, matapos maaresto ang ex-con na si Nolan Perez.

Noong Lunes, matapos niyang makaaway ang kanyang ex-girlfriend, ay kinumpronta si Perez ng mga pulis.

Kinuha ni Perez ang AR 15 assault rifle at nagmanehong paalis, at hinabol siya ng mga pulis sa isang high-speed chase sa isang LA freeway.

Pagbaba niya mula sa freeway, papunta sa isang residential neighborhood ay iniwan ni Perez ang kanyang kotse...siya ay nakitang tumatalon sa bubungan ng mga bahay, habang hawak ang assault rifle.

Nang nakahanap siya ng bahay na walang tao, pinasok niya ito at doon siya nagtago. Pero nang naghagis ang pulis ng tear gas sa loob ng bahay, napilitan nang sumuko si Perez.

Siyam na eskuwelahan sa lugar na iyon ang na-lockdown, dahil kay Perez. Buti na lang at walang nasaktan sa insidente.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended