One Direction members: Gumagamit ng marijuana, at nagbitaw ng N bomb sa nagkalat na video!

  • 9 years ago
One Direction members: Gumagamit ng marijuana, at nagbitaw ng N bomb sa nagkalat na video?

Hindi na nakakapanibago ang mga batang pop stars na ipinagmamayabang ang kanilang paggamit ng marijuana. Pero ang mga batang pop stars na ginagamit ang Google Glass para kumuha ng video ng kanilang sarili, habang nagma-marijuana at nagbibitaw ng N bomb? Iba na iyan.

Mukhang kabilang na si Louis Tomlinson ng One Direction sa listahan ng mga 'Glassholes," matapos kumalat ang video na kanyang kinuha gamit ang Google Glass, habang sila ay nasa Peru.

Sa video ay nagpasahan ng marijuana si Tomlinson at ang One Direction member na si Zayn Malik, habang nakasakay sila sa sasakyan na naghatid sa kanila papunta sa kanilang concert sa Estadio Nacional.

Nakita ni Louis ang isang police motorcycle na ine-escort ang kanilang convoy, at hinipan niya ng usok ang camera, para gumawa ng smokescreen. Matalino, diba.

At habang kinukunan ni Louis si Zayn na nagwa-warm up para sa show, pinaalala niya sa mga fans nila na kailangang gumamit ni Zayn ng marijuana para makapag-warm up para sa kanilang show.

Pero ang pinaka-hindi OK na parte ng video ay ang pagbitaw ni Louis ng N bomb.

Ang video na ito ay nakakuha ng atensiyon mula sa kanilang mga fans, at pati na rin mga pulitiko at racism activists. Samantala, ay hindi pa nagko-comment ang One Direction tungkol dito.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended