Autistic na lalake, napagkamalang murderer ng mga pasahero ng Taipei subway!

  • 9 years ago
Autistic na lalake, napagkamalang murderer sa Taipei Metro!

Isang autistic na lalaking naglalaro ng calculator ang napagkamalang mamamatay-tao ng mga pasahero sa Taipei Metro, na nag-panic at tinawag ang pulis. Makikitang nagmamadaling bumaba ng MRT ang mga ito sa CCTV footage.

Mabilis na dumating sa eksena ang pulis at metro workers, at tinanggal ang 24-year-old na lalake mula sa subway. Ang lalaki, na si Chang, ay may autism at tahimik na ginagamit ang kanyang calculator sa loob ng MRT na papuntang Banqiao kahapon, nang hindi nya sinasadyang nahawakan katabi niyang lalaking pasahero. Nang napansin ng pasahero ang kakaibang facial expressions ni Chang, ay kumuha ito ng fire extinguisher bilang proteksiyon. Inakala ng mga nakakita sa kanya na ito ay isa na namang saksakan sa subway, at nagsimulang mag-panic ang mga tao. May mga nasaktan dahil nadapa sila habang tumatakas.

Pagdating ng subway sa station, pumasok ang mga pulis at nakita nilang nakaupong mag-isa si Chang, na nakangiti pa. Dumating ang ina ni Chang, at sinabing ang kanyang anak ay autistic, kaya kakaiba ang kanyang pagkilos, at hindi siya marunong makipag-komunikasyon nang maayos. Ito rin ang dahilan kung bakit naglalaro siya ng calculator. Naiintindihan daw niya kung bakit nagkagulo ang mga tao, dahil nga sa nangyaring subway stabbing ilang linggo pa lang ang nakalipas. Nang nalaman ng pulis na ito ay fals alarm, ay pinauwi na nila si Chang.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended