'Brooklyn Butcher' Daniel St. Hubert, naaresto sa pagpatay ng dalawang bata sa NYC!

  • 9 years ago
'Brooklyn Butcher' Daniel St. Hubert, naaresto sa pagpatay ng dalawang bata sa NYC!


Suspected child killer, indicted sa pagpatay sa isang teenager!

Ang hirap isipin na may mga taong kayang saktan nang napaka-brutal ang isang bata. Pero ito ang nagawa ng isang lalake sa dalawang seven-year-old na bata, na sina Prince Joshua Avitto at Mikayla Capers.

Sila ay brutal na pinagsasaksak sa isang elevator sa Brooklyn Boulevard Homes housing project noong isang linggo.

Ikinalat ng Brooklyn 75th precinct ang balita tungkol sa pagpatay, at nagdagsaan ang mga tip, na nauwi sa paggawa ng sketch na ito.

Kahit na ang kakulangan ng mga security cameras ay patuloy na nagiging issue, nagawa pa rin ng komunidad at ng mga pulis na mahanap ang lalaking ito...

Ang 27-year-old na si Daniel St. Hubert, na wala pang dalawang linggong naka-parole.

Tumakas siya papuntang Jamaica, Queens, pero mabilis na naaresto, matapos maipakita sa isang press conference sa TV ang kanyang sketch.

Siya ngayon ay naakusahan rin ng pagpatay kay Tanya Grant-Copeland, na nangyari malapit sa isang railyard sa Stanley Av sa Brooklyn. Pauwi si Tanya nang nangyari ang krimen.

Para sa mga magulang ng mga biktima, nakakabuting malaman na ang killer ay hindi na makakasakit ng ibang tao...pero ang tanong na hindi pa nasasagot, ay kung bakit nangyari ang nangyari sa kanilang mga anak.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended