VIDEO: Magnanakaw, nasindak sa shotgun ng may-ari ng tindahan ng alahas!

  • 9 years ago
VIDEO: Magnanakaw, nasindak sa shotgun ng may-ari ng tindahan ng alahas!


Pagnanakaw sa isang tindahan ng alahas, nasira nang naglabas ng shotgun ang may-ari ng tindahan!

Habang nagta-trabaho sa Joyeria Marlenes jewelry store sa Fresno, California...ito ang armas na nakaligtas kay Noe Guzman mula sa mga magnanakaw.

Nai-record ng surveillance video noong Biyernes ang mga magnanakaw, na palakad-lakad sa loob ng tindahan ng alahas...halatang ninenerbiyos, habang nagkukunwaring interesado sa mga naka-display na alahas.

Habang nagtatanong ang isang suspect tungkol sa mga bracelet, naglabas naman ng baril ang isa pang suspect. Humingi sila ng cash mula sa employado na si Guzman.

Ayon kay Guzman, umusog siya sa gilid para makita ng kanyang tito, na may-ari ng tindahan, na may nangyayaring pagnanakaw.

Habang may tinatawagan sa telepono, sinubukang talunin ng suspect na walang dalang armas ang counter...

Panoorin natin ulit.

Nagdesisyon siya na mas madaling lakarin ang counter, pero hindi niya alam na mapapatakbo siyang paalis.

Halos matae ang mga suspect nang nakita nilang lumabas ang mayari ng tindahan, na may hawak na shotgun!

Nadapa ang isang suspect habang patakas sa eksena. Medyo nalito ang suspect na may dalang baril...should I stay or should I go?

Mukhang napatanong sila kung bakit sila nagdesisyong magnakaw, para lang mapatingin sa barrel ng isang shotgun.

Tumakas din ang mga amateur na magnanakaw, na malamang ay nagpapasalamat at hindi sila nabaril o napatay.

Nagpapasalamat naman si Guzman at ang may-ari ng tindahan, na walang nasaktan, at nakunan sa camera ang mga suspect.

Hinahanap pa rin ng mga pulis ang Hispanic suspects, na pinaniniwalaan nilang nasa 17 hanggang 21 years old.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/Tomo

Recommended