Shia LaBeouf, umiyak nang pinaalis siya sa isang Broadway show!

  • 9 years ago
Shia LaBeouf, umiiyak habang pinapaalis siya mula sa isang Broadway show!

Nagkaroon na naman ng kontrobersiyal na insidente, kung saan sangkot ang problemadong aktor na si Shia LaBeouf -- na na-escort paalis mula sa isang Broadway show, nang naka-handcuffs!

Nangyari ang insidente, Huwebes ng gabi sa Studio 54 sa Manhattan, sa Broadway show na Cabaret.

Nanggulo si Shia, na nagsisigaw at naninigarilyo sa loob ng theater.

Matapos siyang ma-escort mula sa building, nang naka-handcuffs, hinamon daw niya ang mga pulis at taong nakatayo sa kalsada.

Ayon sa Broadway World, si Shia ay nag-iiyak nang hinila siyang paalis ng mga pulis. Ayon sa mga witness, nakita nila ang aktor, na naghahabol ng homeless na lalake, habang papunta sila sa theater. Nakita rin nila ang aktor na hindi makalakad nang maayos sa loob ng isang bar sa theater, kung saan sinubuan daw niya ng prutas ang isang babae.

Hindi na ito ang kauna-unahang beses na nagpakabaliw ang 28-year-old na aktor sa publiko. Noong Enero, nag-walk out siya mula sa isang news conference sa Berlin Film Festival; naglakad din siya habang nakatakip ang kanyang ulo ng paper bag na may nakasulat na, "I am not famous anymore."

Sa insidenteng nangyari noong Huwebes, napilitan diumano na sumuot ng maskara ang aktor sa police station, dahil ayaw niyang tumigil sa pandudura. Ang dating star ng Transformers ay nakasuhan ng criminal trespass, harassment at disorderly conduct.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended