Lalake, tinangkang hipuan ang babae sa isang job interview!

  • 9 years ago
Boss ng isang kompanya, nagtangkang manghipo habang nagsasagawa ng job interview!

Noong isang linggo, sa Taichung, Taiwan, isang babaeng nagngangalang Chen ang nagpunta para sa isang job interview, bilang receptionist sa building na ito.

Tinanong siya ng may-ari ng kompanya kung alam ba niya ang sukat ng katawan niya, dahil hindi ito nakalista sa kanyang resume! Sabi ni Chen, hindi niya alam ang measurements niya, at inalok pa ng lalake na siya na ang kukuha ng sukat para sa babae.

Nagpadala ng message si Chen sa isang kaibigan, na tumawag sa pulis. Dumating ang mga pulis, sakto nang paalis na si Chen mula sa opisina, matapos siyang hipuan ng lalake, na gustong kunin ang kanyang mga measurements!

Sabi ng lalake sa pulis, sinusukatan lang niya ang babae para sa uniform na susuotin nito sa trabaho. Ganda ng palusot! Dinemanda na siya ni Chen para sa sexual harassment. Mukhang ito na ang huling job interview ng manyak na boss na ito!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended