Lalaki, naglabas ng sama ng loob sa biktima matapos itong molestiyahin!

  • 9 years ago
Lalaki, naglabas ng sama ng loob sa biktima matapos itong molestiyahin!

Sa Yokosuka, Kanagawa, malapit sa Tokyo, isang lalaki ang naaresto matapos niyang pasukin ang apartment ng isang babae noong December 28. Ayon sa police report, nang nagising ang babae, ay kinausap ito ng suspect, na naglabas ng sama ng loob.

Ang suspect ay naakusahan ng pagsira ng bintana ng pintuan ng apartment.

Hinipuan ng lalaki ang dibdib at sensitibong parte ng katawan ng babae, habang ito ay natutulog.

Nang nagising ang biktima, tinigilan ng lalaki ang kanyang panghihipo, at nanigarilyo habang kinukuwentuhan ang babae.

Mahigit kalahating oras na naglabas ng sama ng loo bang suspect: siya raw ay nawalan ng trabaho, nawalan ng tirahan, at siya ay hiniwalayan ng kanyang girlfriend. Umalis lamang ang suspect sa apartment ng biktima matapos ang kanyang pagrereklamo.

Tumawag ang biktima sa pulis, na nag-patrol sa lugar na pinangyarihan ng insidenete mula pa noong Sabado. Nagpakita ang suspect, na mabilis na naaresto ng pulis. Ang suspect daw ay isang delivery man.

Nang siya ay tinanong ng pulis kung bakit siya muling nagpakita sa lugar na tinitirhan ng biktima, ang sagot ng lalaki ay: "dahil nasira ang bintana ng bahay ng biktima, at baka nangangailangan siya ng proteksiyon." Mukhang may seryosong problema sa pag-iisip ang criminal na ito?!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended