Radioactive na lampin, natagpuan sa basurahan sa Linz, Austria!

  • 9 years ago
Radioactive na lampin, natagpuan sa basurahan sa Linz, Austria!

Ang Austria ay kilala para sa Red Bull...Arnold Schwarzenegger...at minsan, pati na rin Hitler...at iba pa.

Isang truck ng basura sa maliit na bayan ng Linz ang naka-trigger ng Geiger counters noong Martes.

Ikinatakot ng lahat na ang truck ay may bomba! Kaya naitawag na ang mga naka-hazmat suits.

Kung ikaw ay naghahalukay sa karumihan na parang isang baboy...huwag ka nang magulat kung makahanap ka...ng mga lampin! Maraming maraming lampin! Gamit na lampin, na puno ng radioactivity!!!

Ang mga lampin ay nanggaling pala sa isang ospital, kung saan ang mga pasyente ay may radioactive iodine sa kanilang katawan, na ginamit sa mga diagnostic procedures sa ospital.

At siyempre, ang mga pasyente ay kinailangang um-ebs, at ang kanilang radioactive waste ay itinapon, kasama ang mga lampin.

Ang truck ng basura ay nai-encase sa bakal nang walong araw, hanggang sa mawala ang mga emissions mula sa mga lampin.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended