French president Francois Hollande at actress Julie Gayet, nahuling magka-affair!

  • 9 years ago
French president Francois Hollande at actress Julie Gayet, nahuling magka-affair!


Ang affair ng president ng France na si Francois Hollande, at ng aktres na si Julie Gayet, ay nabuking sa publiko itong nakaraang linggo ng Closer magazine.

Si Francois ngayon ay kabilang na sa isang elite club ng mga French presidents at politicians na mahilig mambabae.

Makikita sa mga litrato na si Gayet ay dumating sa isang apartment. Makalipas ng kalahating oras, dumating ang bodyguard ni Hollande para i-check ang kanilang paligid. Pakatapos, ay hinatid ng isang scooter at binaba sa apartment si Hollande.

Matapos ang isang gabing...ahem, pag-uusap...dumating ang bodyguard na may dalang agahan. Pagkalipas ng tatlong oras, isang naka-helmet na Hollande ang sinundo ng driver na naka-scooter.

Hindi dineny ni Hollande ang balitang ito. Pero kung isasantabi natin ang kanyang pambababae, hindi ba't magandang gawain ang bilang isang world leader ang kanyang pagsakay sa scooter, saan man siya magpunta?




For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended