VIDEO: Elepante, nagwala at inatake ang bisita sa Kruger National Park sa South Africa

  • 9 years ago
VIDEO: Elepante, nagwala at inatake ang bisita sa Kruger National Park sa South Africa


Maligayang pagdating sa Kruger National Park sa South Africa!

Ito ang nangungunang wild animal safari park ng Africa, kung saan ang mga bisita ay maaring lapitan ang iilan sa pinakamalalaking land animals sa buong mundo!

Huwag pong lalabas mula sa inyong sasakyan, at higit sa lahat --

Huwag pong magmaneho ng kotseng mas maliit sa elepante!

Huwag gayahin ang mag-asawang ito, na pumasok sa park gamit ang kulay blue na hatchback na obviously, mas maliit sa elepante.

Si Sarah Brooks na galing sa UK, at ang kanyang finace na si Jans de Klerk, ay bumisita sa Kruger, nang nakasalubong nila ang malaki, mabigat, at malibog na lalakeng elepanteng ito!

Kung hindi sana hatchback ang ginamit nila...

Binaligtad ng elepante ang kulay blue na hatchback...

At ilang beses itong pinagtutusok, gamit ang kanyang tusk, o pangil. Natamaan si Sarah sa kanyang hita at likod.

Pagkatapos, ay sinipa ng elepante ang hatchback paalis mula sa daanan.

Para sa krimen ng pananakit ng turista at pagwasak sa kanilang sasakyan, binaril at pinatay ng mga park officials ang elepante.

Sa susunod po -- huwag mag-safari nang naka-hatchback!!!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended