Mga Taiwanese dancers, patuloy sa pag-strip-dance kahit maginaw sa Taiwan!

  • 9 years ago
Mga Taiwanese dancers, patuloy sa pag-strip-dance kahit maginaw sa Taiwan!

Mga sexy electric flower car performers, nagpapa-sexy pa rin, kahit na malamig at maginaw ang panahon!

Habang nakasuot ng maliliit na bikini, ang mga electric flower car dancers na ito ay ine-entertain pa rin ang mga manonood, kahit na ang panahon sa Yunlin, na malapit sa dagat, ay nasa 12 degrees Celsius!

Sa unang pag-apak nila sa etablado, ay nakasuot ng makakapal na jacket at nakabalot ng mga scarf ang mga dancers, pero pagtagal ay nagsimula na silang magtanggal ng mga damit, hanggang san aka-bikini na lamang ang mga ito.

Pero may mga dancers na iniwan ang kanilang suot na scarf, dahil nga napakaginaw at mahangin sa labas, kung saan sila nagpe-perform.

Ang Taiwan ay kasalukuyang nababalutan ng malamig na panahon. Sa Yushan, ang pinakamataas na bundok sa bansa, ay bumaba ng 10.7 degrees Celsius ang panahon.

Ito rin ang panahon kung kailan nagpapa-yea-end-party ang mga kompanya sa Taiwan, na itinatawag na "wei ya." Sa mga selebrasyon na ito, nangangailangan ang mga kompanya ng mga entertainers, at marami sa mga ito ang nagpe-perform ng maraming beses sa loob ng isang gabi.

Marami sa mga sexy performers ang nagkakasakit, pero patuloy pa rin sila para kumita ng pera.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended