Human Rights Watch, ini-release ang video ng anti-gay violence sa Russia!

  • 9 years ago
Human Rights Watch, ini-release ang video ng anti-gay violence sa Russia!


Ang buong mundo ay panonoorin ang 2014 Winter Olympics sa Sochi, Russia. At habang marami ang nag-aalala tungkol sa seguridad ng mga venue, dahil may mga teroristang nagbabantang dumalo sa selebrasyon...

Ang mas malaking istorya ay ang lantad na pananakot sa mga homosexuals sa Russia.

Nai-release ng Human Rights Watch ang isang video, kung saan makikita ang lantad ay hinahayaang bayolenteng pag-uugali ng mga taga-Russia, sa mga nasa LGBT community.

At dahil binan ng Russia ang lahat ng "propaganda na may kinalaman sa alternative lifestyle," naniniwala ang mga hate groups na mayroon silang pahintulot na abusuhin, pahiyain, saktan at i-torture ang mga biktima, at hindi sila mapaparusahan. Pino-post pa nila ang mga gawaing ito sa YouTube.

At ang pulis? Kung akala natin ay ipinagtatanggol nila ang mga naaapi, panoorin na lang natin ang kanilang posisyon sa issue na ito.

Ayon sa isang official statement ng Russian president na si Vladimir Putin, "lahat ng bisita sa Sochi, maging gay o straight, ay maaring mag-relax...pero sana ay huwag nilang galawin ang mga bata."

Paano namang na-confuse ang isang lalaking may multiple degrees, na nagtrabaho para sa KGB, at maaring maging kaisa-isang taong nabubuhay na pwedeng talunin si Chuck Norris sa isang street fight... ang pagkakaiba ng homosexuality at pedopilya?!

Ilang tulog na lang, at 22nd Winter Olympics na. Tandaan lang sana ng Russia, na nasa kanila ang mata ng buong mundo.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH