Basketball player Marcus Smart, tinulak ang bastos na fan; natanggal sa game!

  • 9 years ago
Basketball player Marcus Smart, tinulak ang bastos na fan; natanggal sa game!



Ang Oklahoma State guard na si Marcus Smart ay mabilis na nakikilala sa mundo ng college basketball -- pero hindi para sa magandang rason.

Noong Sabado, sa laro nila laban sa Texas Tech, napatumba si Smart at nasubsob siya sa dalawang diehard na Tech fans.

Hindi namin alam kung ano ang nasabi nila, pero nagwala si Smart, ay malakas na tinulak ang lalaking ito -- at ang video ngayon ay naging viral.

Ayon sa isang tweet noong Linggo,
Naging rasista daw ang fan kay Smart.

Anuman ang sinabi nito, ang pagtulak na ginawa ni Smart ay dahilan para matanggal ang basketbolista sa game.

Napuno ang Twitter ng mga comment tungkol sa insidente, at halos lahat ng tao ay sinisi si Smart o ang coach na si Travis Ford.

Kilala si Smart para sa kanyang mainit na ulo; noong isang buwan, nagwala ito at sinipa ang isang upuan sa bench. Siya rin ay kilala na madalas mahulog kapag naglalaro.

Pero itong inosenteng fan na natulak, ay mukhang hindi ganun ka-inosente.

Siya si Jeff Orr, ang pinakamalaking fan ng Texas Tech, at sa tutoo lang, mukhang may pagka-tarantado din ito.

Inamin din ni Orr na may sinabi siyang hindi maganda kay Smart, pero hindi raw niya binanggit ang N word.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended