Justin Bieber, umihi sa loob ng jail cell matapos maaresto sa Miami!

  • 9 years ago
Justin Bieber, umihi sa loob ng jail cell matapos maaresto sa Miami!


Kailan lang ay lumabas ang video kung saan si Justin Bieber ay makikitang binibigyan ng pat-down sa jail, matapos siyang maaresto para sa DUI sa Miami Beach.

Mapapanood si Bieber, na fini-frisk ng isang police officer -- sa laki ng katawan ng pulis ay mas lalong nag-mukhang payat na bata ang Canadian singer.

Ayon sa Miami police, may footage kung saan umiihi sa loob ng cell si Bieber!

Hindi na ito ang kauna-unahang beses na nahuling umiihi sa kamera si Bieber. Noong isang taon, umihi siya sa isang tabo sa loob ng restaurant.

Noong isang buwan, hindi napigilan ni Bieber ang tawag ni Mother Nature...

At inihi niya ang kanyang initials sa snow, sa Snowmass, Colorado.

Sigurado ba tayong na-potty train itong si Bieber?

Ang mga abogado ni Bieber ay busing-busy sa pagpigil sa paglabas ng ibapang video, na maaring gamitin ng media laban sa kanya.

Pero hindi nila kami mapipigilan na gumawa ng animated reenactment!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended