Biro sa Little Rock, nauwi sa pagkamatay ng 15-year-old na babaeng teenager!

  • 9 years ago
Biro sa Little Rock, nauwi sa pagkamatay ng 15-year-old na babaeng teenager!



Isang 15-year-old na babae ang namatay nang siya ay nabaril ng isang lalaki, na nagalit dahil na-vandalize ang kanyang kotse.

Si Adrian Broadway ang iilan sa kanyang mga kaibigan ang nagpunta sa bahay ng Noble family, sa Skylark Drive, Little Rock.

Pinunasan nila ang kotse ng mayonnaise at itlog, at nilagyan ito ng mga dahon pagkatapos.

Narinig ng 48-year-old na si Willie Noble ang mga teenager, at lumabas siya sa bahay, hawak ang isang baril.

Tumakbo pabalik sa kanilang Hyundai Sonata ang mga teenagers, at binaril ni Noble ng ilang beses ang kotse habang ito ay tumakbong paalis.

Tinamaan si Broadway ng isang bala sa ulo. Huminto ang mga bata sa isang gas station at tumawag ng tulong.

Si Broadway ay namatay sa Arkansas Children's Hospital.

Nabalitaan na lang ng mga tao na ang ginawa ng mga teenagers ay pagganti sa isang Halloween prank na ginawa ng anak ni Noble sa kanila.

Si Noble ay haharap sa isang kasong first degree murder at terroristic act, at lima kasong aggravated assault.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH