Craigslist Killer Miranda Barbour, pumatay ng lampas 22 katao!

  • 9 years ago
Craigslist Killer Miranda Barbour, pumatay ng lampas 22 katao!



Noong November 11, ang 19-year-old na si Miranda Barbour ay nakipagkita sa 42-year-old na si Troy LaFerrara sa parking lot ng Susquehanna Valley Mall sa Sunbury, Pennsylvania, 50 miles mula sa Harrisburg.

Nagkakilala sila sa Craigslist, at pumayag si Barbour na makipag-sex kay LaFerrara sa halagang 100USD. Ayon kay Barbour, hinipuan siya ni LaFerrara sa loob ng Honda CRV ng babae. Nagsinungaling si Barbour at sinabi kay LaFerrara na siya ay 16 years old lang, at sabi ng lalaki ay okay lang daw ito.

Wrong answer!

Sa signal ni Barbour, ang kanyang asawa na si Elytte, na nakatago sa ilalim ng isang kumot, sa sahig sa backseat ng kotse, ay sinakal si LaFerrara, gamit ang isang cord. Humugot ng kutsilyo si Miranda, at pinagsasaksak si LaFerrara ng lampas dalawampung beses.

Ang mag-asawa ngayon ay nasa custody nan g pulis, at si Miranda ay maaring humarap sa death penalty.

May bagong impormasyon din ang lumabas tungkol sa nakakakilabot na kuwentong ito.

Umamin si Miranda sa pagpatay ng lampas dalawampu't dalawang tao, mula sa Alaska hanggang sa North Carolina!

Si Miranda, na may isang anak, ay minolestiya diumano ng isa niyang kamag-anak noong siya ay apat na taong gulang pa lamang. Noong siya ay 13 years old, siya ay naipasok sa isang kulto ng satanista, at doon daw siya unang nakapatay ng tao.

Ayon kay Miranda, hiniling dawn g leader ng kulto na patayin niya ang isang lalaking may utang sa kanya, at nang saglit na napahinto si Miranda, habang hawak ang baril, hinawakan daw ng leader ang kamay ni Miranda, at pilit na pinaputok ang baril.

Habang kabilang sa kulto, ay ilang beses na nakapatay si Miranda. Nang siya ay nabuntis ng isa pang miyembro ng kulto, na kalaunan ay napatay din, ay umalis siya at nagpunta sa North Carilina para magsimulang muli.

Ikinasal si Miranda at Elytte, tatlong linggo bago nila pinatay si LaFerrara. Ayon kay Miranda, siya ay pumapatay lang ng masasamang tao, at kung tinanggihan siya ni LaFerrara nang sinabi niyang siya ay 16 years old pa lang, ay hindi niya sana ito sasaktan.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH