Morrocan na lalaki, nahuling nag-smuggle ng African teenager sa loob ng isang suitcase!

  • 9 years ago
Morrocan na lalaki, nahuling nag-smuggle ng African teenager sa loob ng isang suitcase!



Sa isang open-and-shut-case ng katangahan, isang 39-year-old na Moroccan, at isang African teenager mula sa Mali ang naaresto, matapos nilang magtulungan sa pag-smuggle sa teenager sa border security ng Morocco, papasok ng European Union -- sa loob ng isang suitcase!

Ang pag-smuggle na ito ay nangyari sa isang checkpoint sa pagitan ng Morocco at ang Spanish territory ng Melilla sa northern Africa.

Minalas ang dalawang suspect, nang namataan ng mga Spanish agents ang Moroccan na lalaking hinahatak ang isang kaduda-duda at mabigat na suitcase sa terminal. Nawalan ng lakas ng loob ang lalaki, at tinangkang iwanan ang bagahe sabay takbuhan ang mga awtoridad, pero nahuli siya ng mga guwardiya.

Dinala ang lalaki pabalik sa border, at panoorin ang sandaling napakawala ang illegal immigrant mula sa suitcase...gulat na gulat siyang makita ang mga Spanish federal agents, ano?!

Ang 19-year-old na teenager ay dinala sa isang immigration detention center, at inaasahang tetestigo laban sa smuggler.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended