Lapel video: Pulis sa Albuquerque, walong beses na binaril ang isang suspect!

  • 9 years ago
Lapel video: Pulis sa Albuquerque, walong beses na binaril ang isang suspect!



Si Officer Brian Pitzer ng Albuquerque Police Department, ay rumirisponde sa isang report kung saan ninanakawan at tinutukan ng baril ng isang lalaki ang isang matandang babae. Nagtangka rin itong magnakaw ng dalawang kotse, bago siya nagmanehong high at lasing, at nagpapaputok ng baril.

Ang Albuquerque Police Department ay nag-release ng isang lapel video, kung saan makikitang binaril ni Officer Pitzer nang walong beses si Joaquin Ortega.

Natagpuan ng mga pulis ang baril na inakala ng mga news reporter na nahulog ni Ortega, matapos siyang mabaril.

Tatlong beses nang nasangkot sa mga shooting si Officer Pitzer, na nakadagdag sa reputasyon ng pananakit ng Albuquerque Police.

Heto ang listahan ng lampas tatlumpung APD shootings mula 2010 -- nakamarka ng pula ang mga namatay.

Heto ang mga shootings sa mapa.
Ito ang mga pagbaril sa pulis,
At ito ang pagbaril ng pulis. Nakamarka ng pula ang mga namatay.

Ang mga numerong ito ang nagtulak sa federal investigation sa paggamit ng puwersa ng mga pulis sa APD.

Balikan natin ang latest na shooting na ito. May armas ba si Ortega?

Naghabulan sila ng pulis,
At dito nagsimula ang barilan.

Nakita niyo ba iyon? Binitawan ni Ortega ang kanyang baril, matapos siyang barilin ng mga pulis.

Ayan oh.

Nasaktan si Ortega sa shooting, at si Officer Pitzer ay nanatili sa APD.

Ang shooting na ito ba ay justified? Mag-iwan ng opinyon sa comments.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended